Ano Ang Meron Sa Salita o Wikang “Balbal”?   Leave a comment

Alam mo ba ang ibig sabihin ng salita o wikang BALBAL? marahil alam mo kung ano ito. Subalit sa paglipas ng ating panahon ito ay lalong lumalaganap at dapat nating bigyang pansin kung ano ba ang kahulugan ng salitang ito. Marahil alam natin na ang ating wikang Filipino ay maraming antas. Ayon sa pag-aaral ang ating wika ay may mga antas ilan sa mga halimbawa nito ay ang wikang pampanitikan, lalawiganin, kolokyal at ang wikang Balbal. Isa ang wikang Balbal na dapat nating unawain at alamin kung ano ba ang kahulugan nito. Ang wikang ito ay ating ginagamit sa kasalukuyan lalo na ng mga henerasyon ng mga kabataan ngayon. Ito ay ang mga salitang ating ginagamit na akala natin ay ayos lang at maganda para sa atin ngunit ito ay hindi kaaya-aya sa pandinig ng iba. Tinutukoy nito ang mga pangkaraniwan na salita na pinapalitan ng ibang katawagan, halimbawa: ang salitang “kabataan” ito ngayon ay maraming katawagan ngayon, noong panahon ng ’80’s ito ay tinawag na ‘Jeproks’ na sabi nila ay nangangahulugang ‘laki sa layaw. Nagdaan pa ang ilang taon ito ay tinawag namang ‘bagets’. Ilan pang halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salita: ermat- ina, erpat- ama, pare- tsong, haybol- bahay, gimik- pasyal at marami pang iba.  Marami ang nagsasabi na ang pag babago ng mga wika o pag papaunlad nito ay isang paraan upang maipakita ang kaunladan ng isang bansa, ito ay isang tamang pagtingin at basehan ng kaunladan ng isang wika ng bansa subalit sa sobrang pagpapalawak ay hindi natin napapansin na ang mga salita na ating sinasabi ay siya ring ginagamit ng kaaway(diyablo) upang tayo ay mabulag sa prinsipyo ng Salita ng Diyos. Katulad ng mga salita na sa kasalukuyan ay ginagamit ng mga kabataan na ang mga kahulugan ay umiikot lamang sa krimen, pita ng laman at sa mga bagay na hindi dapat pag usapan. Na minsan ay madalas nating ginagamit ngunit hindi natin alam kung ano ba ang ibig sabihin nito, sabi nga nila ‘makisabay nalang tayo sa uso’ ngunit lagi nating tandaan na hindi lahat ng uso ay nakabubuti, minsan ito ay nakakasira ng ating moral at ng ating buhay. Ang pinaka usong salita ngayon ay mga salitang umiikot sa kahulugan ng mga immoral na bagay.

Ayon sa Colosas 4:6(Colossians 4:6 KJV)

Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na maglasang asin…” ito ay nangangahulugan lamang na nais ng Diyos na sa ating mga pananalita ay maipakita natin ang ating patotoo at ilaw bilang isang Kristiyano at Kanyang mga anak. Dahil ako’y naniniwala na kung ano ang madalas mong sabihin at ang uri ng iyong pananalita ay nagpapakita lamang ng uri ng ating pamumuhay bilang isang tao at ng ating tinitirahan. Mahalaga ang uri ng pananalita sa ating buhay, dahil kung ano ang bumubukal sa iyong puso ay siya ring lumalabas o bumubukal sa iyong bibig. Ito ang isang katanungan sa bawat isa, “Anong uri ng pananalita ang iyong ginagamit?” dapat nating tiyakin kung ang mga salita na ating ginagamit sa bawat usapan sa iba ay nakakalugod sa Panginoon.

Minsan hindi natin namamalayan na sa ating pagsasalita tayo ay nakikilala ng mga taong ating nakakausap. Ang salitang Balbal ay isang uri ng antas ng ating pananalita na ibig sabihin ay mga salita ng “Taong walang pinag-aralan, o salitang kalye” bilang isang Kristiyano huwag tayong makisabay sa agos ng mga pananalita sa mundong ito. Kung ikaw ay tunay na anak ng Diyos ang mga pananalita na iyong sasabihin ay mga salitang patungkol sa Kaniya at magbibigay kapurihan sa Kanyang pangalan. Ano- anong mga usapan ang nabubuo sa iyong pakikipag usap dahilan ng iyong mga sinsabi? at ilan sa mga salitang ito ang naluluwalhati at nahahayag sayo ang Panginoon? Ilang beses sa mga salitang ito naibabahagi mo ang kaligtasan na ayon sa Biblia?

(Maraming salamat sa pagbasa at pagbibigay ng oras sa sa artikulong ito. Nawa ito’y nakatulong at nakapag paalala sa bawat isa. Maari lamang po na mag iwan kayo ng inyong komento, ito ay isang malaking kagalakan sa akin.)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: