Ang aking panawagan mula sa Panginoon (Personal calling)   3 comments

Maraming mga Kristiyano ang tinawag ng Diyos upang maglingkod sa Kaniya ngunit kaunti lamang ang pinili. Alam natin na mahirap ang buhay Kristiyano, ika nga nila “BUHAY KRISTIYANO, BUHAY PAKIKIBAKA”. Ako’y naniniwala na mahirap ang makibaka ngunit kailangan natin ang makitungo sa bawat bagay na nais ng Diyos na ating harapin. Ang panawagan ay isang malalim na salita sa ating buhay Kristiyano, ito ay ang pagtawag sa atin ng Panginoon upang paglingkuran Siya. Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay tinawag upang maglingkod ngunit dumadating parin ang panahon na ang bawat isa ay makakaranas ng mga problema, kahirapan  at pagsubok. Ang mga bagay na ito ay sadyang dumadating sa ating buhay upang mas lalo tayong hubugin sa ating panawagan. At sa pamamagitan ng mga bagay na ito nasusubukan ang panawagan ng bawat isa. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa aking panawagan mula sa Diyos. Noong ako ay nasa 11 taong gulang ay hindi ko pa alam ang sinasabi nilang panawagan. Maraming panahon ang aking ginugol sa mga bagay sa mundong ito na wala namang kabuluhan. At dahil ako ay wala pa sa kalooban ng Diyos ako ay walang pakialam sa mga bagay patungkol sa Diyos ngunit sa mga bagay na patungkol sa sanlibutan. Ngunit salamat sa Panginoon at ako ay nakakilala sa Kaniya dahil sa Kanyang biyaya noong ika-24 ng Agosto 2007 sa pamamagitan ng pag gamit Niya sa isang tao na siyang nagbahagi sa akin ng Kaligtasan at ako’y nakatiyak ng langit. Marami pang panahon ang nagdaan at lumipas habang ako ay binabago Niya ayon sa sa mga turo ng Kaniyang Salita. Magmula noon ay nanatiling buhay sa akin ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa datapwa’t tayong lahat ay makasalanan, at habang tumatagal ako sa aking pakikibaka sa buhay Kristiyano ay unti- unti akong nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam na alam ko na ito ay mula sa Diyos. Noong una ay hindi ko matanto kung ano ang mga pangyayaring ito, sapagkat maraming mga bagay akong kinalimutan na mula sa aking mga napaka walang kabuluhang nakaraan. Taong 2008 buwan ng Mayo pagkatapos ng isang SUMMER REVIVAL CAMP na idinaos sa Lemery Batangas ay aking natiyak ko na ako pala ay tinatawag ng Panginoon upang paglingkuran Siya. Dumating ang ilang araw dumating sa aming tahanan ang isang lingkod ng Diyos na siya din ang nagmulat sa aming magkakapatid pati na rin sa mga kabataan sa aming lugar tungkol sa Salita ng Diyos. Noong araw na iyon ay ipinagpaalam nila ako sa aming magulang upang maglingkod sa Panginoon sa loob ng Carpenter’s House Baptist Church sa pamumuno ni Pastor Adiel De Torres. Noong una na ako ay dumating sa CHBC ay parang nagdadalawang isip pa ako ngunit ilang buwan ang lumipas marami akong natutunan patungkol sa Diyos. Doon ay lagi akong lumuluha sapagkat noong una ay ayaw ko talagang maglingkod sa Diyos, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nananatili. Dumaan pa ang ilang buwan at hanggang ako ay mag iisang taon na sa pagtitiis sa mga nararamdaman ko, kasabay ay nito ay unti-unti ko namang nalalaman na ako pala ay may panawagan at isa sa mga tinawag ng Diyos dahil sa Kanyang biyaya. Sa biyaya Niya ay tumugon ako sapagkat nalaman ko na ako ay tinawag Niya at ang mga bagay na aking nararanasan ay isang bahagi upang ihanda Niya ako sa aking panawagan. Natiyak ko sa aking puso na ako’y tinawag upang maglingkod sa Kaniya, marami kaming mga kabataan ang nagsuko ng buhay sa Panginoon. At doon ay mas nakaranas ako ng mga kahirapan sa aking buhay Kristiyano at lagi kong naririnig sa mga taong naghihikayat sa akin na magpatuloy sa paglilingkod sa Diyos na aking tuparin at sagutin ang pagtawag sa akin ng Panginoon.

Bilang isang Kristiyano kailangan nating malaman na tayong lahat ay may kanya-kanyang panawagan mula sa Panginoon. Ang kailangan nating gawin ay sagutin ang pag tawag sa atin ng Panginoon. Sa panawagan ay lagi nating tandaan na ang panawagan sa buhay Kristiyano ay hindi madali subalit nais ng Diyos na tayo ay tumugon sa Kaniyang panawagan. Dahil Siya ay tumatawag ngunit iilan lamang ang pinipili. Bago matapos ang isang artikulong ito, may isang katanungan akong iiwan sainyo,… Alam mo ba ang panawagan sayo ng Diyos at handa kabang sagutin ang pinaka mataas na panawagan sa ating buhay? Baka ikaw ay tinatawag na ng Diyos upang paglingkuran Siya, huwag kanang mag dalawang isip pa, SAGUTIN AT TUPARIN MO ang iyong PANAWAGAN… Philippians 3:14

(Maraming Salamat sa inyong pagbasa sa artikulong ito, nawa’y ito ay nagbigay hamon sa bawa’t isa, at patuloy lang sa biyaya ng Panginoon!)

3 responses to “Ang aking panawagan mula sa Panginoon (Personal calling)

Subscribe to comments with RSS.

  1. Gusto ko ding maglingkod. ^__^. kaso, andun pa ko sa stage na nag aaway yung dalawang aso, sabi nga ni pastor.. yung asong puti and itim.. Pero naniniwala naman akong malalagpasan ko yun, within His help. tama po ba? :]

    • ahh gnun ba? lahat naman eh dapat maglingkod sa Diyos ksi un ang isa sa mga purpose or reason kung bakit tau iniligtas ng Panginoon. Ang calling ay pra sa lahat pero it’s up to u kung panu ka mgreresponse sa panawagan… ang dapat nating gwin ay ipanalangin kung ano ba ang iyong panawagan. ^^

  2. ..,tlga plng tinwg k ng diyos pra pglingkurn xia.,.
    .,.sna pgp2loy moh yng gingwa moh.,.
    .,.ikw ay isng kbtaan n nsa tmng lnds n.,.

    ..,di k n sna mligw!!!

    .,.congrats & goodluck n lng
    s gingwa moh.,.

    ..,.mizz qoh n poh pla kaung
    lht jn s church.,.

    sna mkcmba ul8 aqoh jn..sumday.,.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: